Mga bagay na dapat malaman ng mga kasapi/kamay-ari.
Category I. Pagpapalit ng Pangalan. (Change Name)
Ang konsumedores ay dapat magsumite ng mga sumusunod.
1. Death Certificate- Kung ang dating nagmamay-ari ay namatay na.
2. Affidavit of Waiver- Kung ang bagay o establisimento ay ipinamana o ibinigay.
3. Deed of sale- kung ang bahay o establisimento ay nabili o ipinagbili.
4. Ang bagong pagmamay-ari ay kinakailangang dumalo sa Pre-Membership Orientation
Seminar (PMOS) na ginaganap tuwing biyernes, mula 9:00 hanggang 11:00 ng umaga
(minsan lamang ang pagdalo).
5. Mga dapat bayaran
150.00 Seminar Fee
50.00 Service Card
5.00 Membership Fee
24.00 Vat12%
P229.00 Para sa mga hindi pa nakamiyembro, mangyari lamang po na magsadya sa NEECO II Main Office para maging kasapi/kamay-ari ng kooperatiba at magkaroon ng karapatang bumoto sa eleksyon ng Board of Directors sa inyong Distrito.
II. Pagbabayad ng konsumo sa kuryente.
1. Binibigyan ng siyam(9) na araw na palugit ang kasapi upang makapagbayad ng
kanilang Electric bill simula sa araw na matanggap ang Statement of Account.
2. Ang hindi magbabayad sa takdang panahon ay nangangahulugan ng pansamantalang
pagkaputol ng serbisyo ng kuryente. (may tao man o wala)
3. Mangyari lamang na sa teller ng bawat District office magbayad at siguraduhing natanggap
ninyo ang opisyal na resibo. Ang bill distributor at disconnector ay hindi awtorisadong
tumanggap ng bayad at walang pananagutan ang NEECO II sa ibinayad sa kanila.
III. Ano ang due date, total amount due at amount after due ng pagbabayad?
1. Due date- ito ang itinakdang petsa ng pagbabayad o ika (9) na araw ng palugit matapos
tanggapin ang statement of account.
2. Total amount due- ito ang halagang dapat bayaran ng kasapi bago ang itinakdang due date.
3. Amount after due- ito ay ang halagang dapat bayaran ng kasapi matapos ng itinakdang due date o ika (9) na araw ng palugit. Ito ay amy pataw na 5% na interest ng total amount due.
IV. Bakit pinuputol and serbisyo ng kuryente?
1. Kung may pagkakautang na lumampas sa takdang panahon o due date.
2. Kung may illegal na koneksiyon sa paggamit ng kuryente.
3. Sa kahilingan ng kasapi/kamay-ari.
V. Ano ang Republic Act 7832?
Ang Republic Act 7832 ay ang tinaguriang Anti-lectricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994.
VI. Ano ang parusa sa mapapatunayang nagnakaw ng kuryente?
Anin (6) na taon at isang araw hanggang labindalawang (12) taong pagkabillango at multang P10,000.00 hanggang at depende pa rin sa uri ng paglabag nito.
VII. Ano ang parusa sa mapapatunayang nagnakaw ng linya ng kuryente at iba pang materyales?
Labindalawang (12) taon at isang araw hanggang dalawangpung (20) taong pagkabilanggo at mutlang P50,000.00 hanggang P100,000.00 Libong Piso o kaya ay pareho ayon sa pasiya ng hukuman.
Next