Para sa mga Kasapi/Kamay-ari:
Ipinagbibigay-alam po namin na ang ating kooperatibang NEECOII-Area 1 ay naglunsad ng isang programa upang matulungan ang ating mga Kasapi/Kamay-ari.
Batay po sa Board Resolution Bilang 06-06-12 taong 2012 na ang mga Kasapi/Kamay-ari ay kailangan na magkaroon ng Comprehensive Group Personal Accident Insurance Program. Ito ay naaprubahan sa Special General Membership Assembly noong Hulyo 6, 2012.
Mga hakbang na dapat gawin para maging kuwalipikado sa pagkakaroon ng Seguro ang mga Kasapi / Kamay-ari.
1. Kailangang siya ang lehitimong nakapangalan o nakatala, sa NEECO II-Area 1 na may edad na labing walong (18) taong gulang at di lalagpas sa pitompung (70) taong gulang at tanging “residential consumer” lamang.
2. Na kung ang Kasapi/Kamay-ari ay pitompung (70) taong gulang, siya ay awtomatikong mawawala sa pagkakasapi sa Group Insurance.
3. Na ang buwanang hulog kada buwan ay dalawampung (P 20.00) piso na may kabuuang dalawang daan at apatnapung (P 240.00) piso kada taon.
4. Na ang hulog ay babayaran kasabay ng buwanang kunsumo sa kuryente na may nakahiwalay na resibo.
5. Ang mga “benepisyo” na makukuha kung sakaling may mangyari sa Kasapi/Kamay-ari ay ang mga sumusunod:
- Accidental Death and Disablement P 40,000.00
- Accidental Burial Benefit P 10,000.00
- Cash Assistance-Natural Death P 10,000.00