New Connection

Residential/Commercial

  1. Painstilahan ang bahay o establisimyento sa inyong Barangay Electrician.
  2. Magfill-up ng “application form” at iguhit ang plano ng instilasyon at lokasyon ng inyong lugar.
  3. Magtungo sa opisina at isumite ang aplikasyon kalakip ang mga kinakailangang mga “requirements”.
    • I.D. Picture 1x1
    • Resibo ng kuryente ng kapitbahay
    • Xerox ng valid I.D. / Brgy. Certificate (Proof of Residency)
    • Electrical permit para sa taga Aliaga, Munoz at Llanera lamang.
  4. Kinakailangan na magseminar :
    • Zone-I Office (Talavera) (Every Monday 1:00 pm to 3:00 pm)
    • Zone-II Office (Munoz) (Every Monday 9:00 am to 11:00 am)
  1. Matapos magsumite ng aplikasyon at dumalo ng seminar, hintayin ang Inspector sa inyong bahay o establisimyento upang malaman kung tama o mali ang instilasyon sa loob ng inyong bahay o establisimyento.
  2. Matapos mainspeksyon ay isasauli ng Inspector sa aplikante ang aplikasyon   upang bayaran ang mga sumusunod:
    • Inspection fee                    300.00
    • Seminar fee                         150.00
    • Membership fee                     5.00
    • Miscellaneous fee              30.00/outlet
    • Service drop wire               30.00/meter
    • Plastic seal                              80.00
    • Service card                           50.00
    • Screw ball                                25.00
  1. Matapos makapagbayad ang aplikante at magawan ng connection order ito ay isusumite sa Calibration at sa Warehouse para gawan ng Meter Requisition Voucher (MRV) para sa kuntador at Requisition Voucher (RV) para sa service drop.
  2. Matapos maisagawa ang naturang mga dokumento ay ilalabas ng Metering Crew ang kuntador at service drop upang ikabit sa mga konsumidores.

  

Industrial (Bago o Wala pang Kuryente)

  1. Painstilahan ang establisimyento sa Registered Electrician/Electrical Engineer.
  2. Magfill up ng “application form” at iguhit ang plano ng instilasyon at lokasyon sa inyong lugar.
  3. Magtungo sa opisina at isumite ang aplikasyon (blue print duly signed by Professional Electrical Engineer (PEE) kalakip ang mga kinakailangang mga “requirements”
    • I.D. Picture 1x1
    • Xerox ng valid I.D ng may-ari o awtorisadong kinatawan
    • Building permit
    • Proof of ownership
    • Sertipikasyon ng kompanya kung awtorisado ang kinatawan
  1. Matapos magsumite ng aplikasyon hintayin ang Surveyor/Inspector sa inyong establisimyento upang malaman kung tama o mali ang instilasyon sa inyong establisimyento.
  2. Matapos ang isinagawang survey o inspekyon at gagawin ang “bill of materials” ng TSD.

Mga bayarin:

    • Bill of materials (Poles & Transformer) 
    • MSD requirements
    • Schedule of Payment
    • Energy deposit
  1. Matapos makapagbayad ang aplikante at magawa ang Connection Order ito ay isusumite sa Calibration at sa Warehouse para gawin Meter Requisition Voucher (MRV) para sa kuntador at Requisition Voucher (RV) para sa service drop at iba pang materyales.
  2. Matapos maisagawa ang naturang mga dokumento ay ilalabas ng (Light Maintenance Crew) ang transformer, kuntador at service drop upang ikabit sa mga konsumidores.

 

Special Light/Temporary Connection (by Contract)

  1. Magfill up ng “application form” at iguhit ang plano ng instilasyon at lokasyon sa inyong lugar.
  2. Kinakailangang magclearance ang special light upang malaman kung ito ay may kunsumo na hindi pa nababayaran.
  3. Magtungo sa opisina at isumite ang aplikasyon kalakip ang mga kinakailangang mga requirements:
    • Resibo ng kuryente ng kapitbahay
    • Xerox ng valid I.D. / Brgy. Certificate (Proof of Residency)
  4. Matapos mainspeksyon ay isasauli ng Inspector sa aplikante ang  aplikasyon upang bayaran ang mga sumusunod:
    • Energy deposit                                                         Depende sa Rating ng transformer 
    • Labor                                                      2,500.00
    • Inspection fee                                       300.00
    • Rectangular base                            1,920.64
    • Accessories                                        2,415.18
    • Transformer rental                                                   kung kailangan lamang at depende sa KVA rating ng transformer
    • Plastic seal                                                 80.00
    • Service drop                                             30.00/meter
    • VAT 12%
  5. Matapos makapagbayad ang aplikante at magawan ng Connection Order ito ay isusumite sa Calibration at sa Warehouse para gawin ang Meter Requisition Voucher (MRV) para sa kuntador at Requisition Voucher (RV) para sa service drop.
  6. Matapos maisagawa ang naturang mga dokumento ay ilalabas ng Light Maintenance Crew ang transformer, kuntador at service drop upang ikabit sa mga konsumidores.
  7. Kinakailangan pagkatapos ng araw ng kontratang pinirmahan ito ay iaplay agad ng permanenteng koneksyon o renewal kung hindi ang consumer ay awtomatikong puputulan ng serbisyo ng kuryente base na din sa nakasaad sa kontratang inyong nilagdaan.

Mga “requirement” sa pag-aapaly ng permanenteng koneksyon para sa “(Special Light to Residential o Commercial)” 

    • I.D. Picture 1x1
    • Resibo ng kuryente ng kapitbahay
    • Xerox ng valid I.D. / Brgy. Certificate (Proof of Residency)
    • Electrical permit para sa taga Aliaga, Munoz at Llanera lamang. 
    • Seminar Zone-I (Talavera) (Every Monday1:00 pm to 3:00 pm)
    • Seminar Zone-II (Munoz) (Every Monday 9:00 am to 11:00 am)

        Mga bayarin: 

    • Inspection fee                                300.00
    • Seminar fee                                     150.00
    • Membership fee                                 5.00 (non VAT)
    • Miscellaneous fee                          30.00/outlet
    • Plastic seal                                          80.00
    • Service card                                       50.00
    • VAT 12%

  Mga “requirement” sa pag-aaplay ng permanenteng koneksyon para sa (Special Light to Industrial)

    • I.D. Picture 1x1
    • Xerox ng valid I.D ng may-ari o awtorisadong kinatawan
    • Building permit
    • Proof of ownership
    • Sertipikasyon ng kompanya kung awtorisado ang kinatawan
    • Blue print na pirmado ng Professional Electrical Engineer (PEE)
  1. Matapos magsumite ng aplikasyon hintayin ang Surveyor/Inspector sa inyong establisimyento upang malaman kung tama o mali ang instilasyon at dami ng load sa inyong establisimyento.
  2. Kinakailangang magclearance ang special light upang malaman kung ito ay may kunsumo na hindi pa nababayaran.
  3. Matapos ang isisnagawang survey o inspekyon, gagawin ng “bill of materials”.

    Mga bayarin:

    • Bill of materials computed by TSD
    • MSD requirements
    • Schedule of Payment
    • Energy deposit
    • Energy loss
  1. Matapos makapagbayad ang aplikante at magawa ang Connection Order ito ay isusumite sa Calibration at sa Warehouse para gawin Meter Requisition Voucher (MRV) para sa kuntador at Requisition Voucher (RV) para sa mga materyales.
  2. Matapos maisagawa ang naturang mga dokumento ay ilalabas ng Light Maintenance Crew ang transformer, kuntador at mga materyales upang ikabit.
  3. Ang “Energy Deposit”sa dating Special Light connection ay maaaring mairefund matapos mabayaran lahat ang buwanang kunsumo ng kuryente. Kinakailangang mag-clearance ang naturang kunsomidores bago magawan ng permanenteng koneksyon.

 

 Street Light

  1. Ikabit ang kawad (wire) sa poste at mga bombilya at iba pa.
  2. Magfill up ng ”application form” at iguhit ang plano ng instilasyon at lokasyon sa inyong lugar.
  3. Magtungo sa opisina at isumite ang aplikasyon kalakip ang mga kinakailangang mga “requirements”.
    • I.D. Picture 1x1
    • Resibo ng kuryente ng kapitbahay
    • Xerox ng valid I.D. / Brgy. Certificate (Proof of Residency)
    • Electrical permit para sa taga Aliaga at Munoz lamang.
  1. Matapos magsumite ng aplikasyon at dumalo sa seminar, hintayin ang Inspector sa inyong lugar (Street Light) upang malaman kung tama o mali ang instila sa poste.
  2. Matapos mainspeksyon ay isasauli ng Inspector sa aplikante ang aplikasyon upang bayaran ang mga sumusunod:
    • Inspection fee                             300.00
    • Seminar fee                                  150.00
    • Membership fee                             5.00 (non VAT)
    • Miscellaneous fee                      30.00/outlet
    • Service drop wire                       30.00/meter
    • Plastic seal                                      80.00
    • Service card                                   50.00
  1. Matapos makapagbayad ang aplikante at magawa ang Connection Order ito ay isusumite sa Calibration at sa Warehouse para gawin ang Meter Requisition Voucher (MRV) para sa kuntador at Requisition Voucher (RV) para sa service drop.
  2. Matapos maisagawa ang naturang mga dokumento ay ilalabas ng Metering Crew ang kuntador at service drop upang ikabit sa Street Lights.
  3. Para sa mga walang kuntador na Street Lights (Flat Rate), makipag-ugnayan lamang po Punong Tanggapan ng NEECO II-Area 1 sa Brgy. Calipahan, Talavera, Nueva Ecija para sa mga importanteng detalye ng bagong programa ng pagmemetro ng Street Lights.

 

Change Name  (Pagpapalit ng Pangalan)

Maaaring mapalitan ng pangalan ang kuntador na ginagamit kung ito ay hindi sa inyo nakapangalan.

  1. Ang konsumidores ay dapat magsumite ng mga kaukulang dokumento gaya ng mga sumusunod:
    • Affidavit of waiver  -  kung ang bahay o establisimyento ay ibinigay o ipinama na sa inyo ng dating nagmamay-ari.
    • Deed of sale              -  kung ang bahay o establisimyento ay nabili o ipinagbili sa inyo.
    • Death certificate    -  kung ang dating nagmamay-ari ay namatay na.
    • Brgy. Certificate     –  pagpapatunay sa barangay na pirmado ng Brgy. Captain at may tatak ng dry seal ng barangay.
    • Marriage Contract  -  kung sa asawa ililipat at Birth Certificate kung sa anak ipapangalan.
  1. Kumuha ng clearance sa District Office na nakakasakop sa inyo.
  2. Bayaran lahat ang utang sa konsumo ng kuryente bago mapalitan ang pangalan.
  3. Kailangang dumalo sa Pre-membership Orientation Seminar na ginaganap sa:
    • Zone I Office (Talavera) tuwing araw ng Lunes sa ganap na ika-1:00 hanggang 3:00 ng hapon
    • Zone II Office (Munoz) tuwing araw ng Lunes sa ganap na ika- 9:00 hanggang 11:00 ng umaga.

Mga bayarin:

    • Seminar fee                            150.00
    • Service card                              50.00
    • Membership fee                       5.00(non VAT)
    • VAT 12%

 

Calibration of Meter

Kung sa inyong palagay ay mabilis, depektibo, at mabagal ang kuntador na inyong ginagamit, ito ay maaaring ipa “calibrate”.

  1. Magsadya sa District Office at kumuha ng clearance sa bayan na nakakasakop sa inyo at magrequest ng calibration sa inyong kuntador.

            Mga bayarin:

    • Calibration fee                    100.00
    • Plastic seal                              80.00
    • VAT 12%
  1. Matapos mabayaran at maisumite ang clearance ay gagawin ang complaint slip at itatala dito ang pangalan, tirahan ng konsumidores pati ang numero ng resibo ng pagkakabayad at petsa.
  2. Ito ay pupuntahan ng Field Calibrator upang isaayos ang inyong kuntador na ginagamit.
  3. Matapos ang isinagawang calibration ng kuntador ay bibigyan ang konsumidores ng kopya ng resulta ng “calibration test” kung ang inyong kuntador ay nagkarron ng problema itoy awtomatikong papalitan ng ating Field Calibration Crew.

 

Reconnection o Muling Pagpapakabit ng Serbisyo ng Kuryente

Naputulan ng serbisyo ng kuryente dahilan sa may pagkakautang.

  1. Mga dapat gawin kung sakaling ipakakabit na muli.
    • Bayaran ang utang sa konsumo sa kuryente kalakip ang kaukulang clearance.
    • Reconnection fee                        150.00
    • Penalty                                               5%
    • Interest                                              1.5%  (kada buwan)
    • Calibration fee                              100.00(anim (6) na buwan matapos maputulan)
    • Vat 12%
    • Clearance sa district office
  1. Matapos mabayaran at maisaayos ang clearance at reconnection order, ito ay ikakabit ng Station Lineman.
  2. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapakabit sa hindi mga kawani ng kooperatiba.

  

Apprehended Consumer

Ano ang Republic Act 7832 ? 

Ang Republic Act 7832 ay ang tinaguriang Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994.

Ano ang parusa sa mapapatunayang nagkanaw ng kuryente?

Anim (6) na taon at isang araw hanggang labindalawang (12) taong pagkakabilanggo at multang P 10,000.00 hanggang P 20,000.00 Libong piso o kaya ay pareho ayon sa pasiya ng hukuman. At depende pa rin sa uri ng  paglabag nito.

Ano ang parusa sa mapapatunayang nagnakaw ng linya ng kuryente at iba pang materyales?

Labindalawang (12) taon at isang araw hanggang dalawampung (20) taong  pagkakabilanggo at multang P 50,000.00 hanggang P 100,000.00 libong piso o kaya ay pareho ayon sa pasiya ng hukuman.

Nahulihan sa ilegal na paraan sa paggamit ng serbisyo ng kuryente.

Mga dapat gawin:

  1. Magsadya sa district office na nakakasakop sa inyo upang kumuha ng clearance at kung may pagkakautang ito ay dapat bayaran.
  2. Matapos ay magsadya sa punong tanggapan ng NEECO II sa Talavera at dalhin “ang clearance at apprehension report” kung saan nakasaad ang inyong violation.

  Mga dapat bayaran:   

                                                Residential       Commercial           Industrial

    • S. Penalty                                   5,000.00          15,000.00            25,000.00 
    • Waiver                                             600.00             3,000.00               6,000.00
    • Reconnection fee                      200.00                 500.00               1,000.00
    • Calibration fee                            100.00                150.00                    200.00
    • Plastic seal                                        80.00                   80.00                      80.00
    • Duplex wire # 6 (mtrs)
    • Cost of meter
    • Backbill (1 taon)
    • VAT 12%                                   _____________________________________________

                                                                          5,980.00          18,730.00            32,280.00        

  1. Kung hindi kayang bayaran ng buo ang naturang penalty at backbill charges ay maaaring ito ay partialan o paunang bayad at ang matitira o balance ay puwedeng hulugan o maidagdag sa buwanang kunsumo ng kuryente. Subalit ito ay may karagdagang interes na 1.5% kada buwan base sa nilagdaang kasunduan.
  2. Matapos mabayaran ang mga naturang bayarin ay maaari ng gawin ang Reconnection Order at dalhin sa Calibration upang ilabas ng Station Lineman o Light Maintenance Crew ang kuntador.
  3. Matapos maisagawa ang kasunduan ay gagawin ang Reconnection Order at ito ay dadalhin sa Calibration upang isaayos ang dokumento ng kuntador at maikabit ng Station Lineman o ng Light Maintenance Crew.

 

 Broken/Burnt Meter at Change Meter

  1. Kung sakali man na ang inyong kuntador na ginagamit ay masira, nasunog, nabasag o nawala inadya man o hindi ang pagababayad sa pagsasa-ayos ay pananagutan ng konsumidores.
  2. Makipag-ugnayan sa District Office na nakakasakop sa inyo at magfile ng complaint.
  3. Itala ang eksaktong lugar ng inyong tirahan. (street,purok, distrito o zone)
  4. Magsasagawa ng inspeksyon ang “Station Lineman”upang alamin kung depektibo ang kuntador.
  5. Kumuha ng “clearance” sa District Office na pirmado ng Teller o Supervisor.
  6. Magsadya sa punong tanggapan ng NEECO II sa Calipahan, Talavera upang isaayos ang mga kaukulang dokumento at mga bayarin:
    • Cost of meter                             2,365.00
    • Service charge                               200.00
    • Plastic seal                                         80.00
    • VAT 12%
  1. Matapos maisagawa ang mga kaukulang dokumento ay dadalhin sa calibration upang mailabas ang kuntador at maikabit ng Station Lineman o ng Light Maintenance Crew.

 

Relocation of Meter o Paglilipat ng Kuntador

            Ang kuntador ay maaari din na mailipat sa ibang lugar o bayan na nasasakupan ng ating kooperatiba.

  1. Painstilahan ang bagong bahay na paglilipatan.
  2. Magfill-up ng “application form” at iguhit ang plano ng instilasyon at lokasyon ng inyong lugar kalakip ang mga kinakailangang mga “requirements”Clearance
    • Clearance
    • Resibo ng kuryente ng kapitbahay sa paglilipatan na lugar (Para sa bagong Acct. No.)
    • Xerox ng valid I.D. /Brgy. Certificate
  1. Magtungo sa opisina ng NEECO II-Area 1 sa Calipahan, Talavera (Para sa mga nasasakupan ng Zone-I) at sa ( Munoz para sa nasaskupan ng Zone-II) at isumite ang aplikasyon kalakip ang clearance na pirmado ng Teller o Supervisor.
  2. Hintayin ang Inspector sa inyong bahay o establisimyento upang malaman kung tama o mali ang instilasyon sa loob ng inyong bahay o establisimyento.
  3. Matapos mainspeksyon ay isasauli ng Inspector sa aplikante ang aplikasyon upang bayaran ang mga sumusunod:
    • Inspection fee                              300.00
    • Service charge                             200.00
    • Calibration fee                             100.00
    • Reconnection fee                       150.00 (kung dating naputulan ang kasapi/kamay-ari)
    • Miscellaneous fee                         30.00/outlet
    • Seal                                                        80.00
    • Screw ball                                          25.00
    • VAT 12%
  1. Matapos mainspeksyon at mabayaran ay gagawin ang dokumento sa pagpoproseso ng paglilipat ng kuntador.
  2. Matapos maisagawa ang naturang mga dokumento ay ilalabas ng Station Lineman o Maintenance Crew ang kuntador upang ikabit sa kunsomidores.

Ang kuntador ay hindi maaaring mailipat sa mga lugar na hindi nasasakupan ng ating kooperatiba.

 

Relocation of Service Drop Wire” o Paglipat ng Kawad ng Kuryente

Ang service drop wire ay maaaring ipalipat kung ito ay nakakasagabal sa inyong lugar.

  1. Magtungo sa District Office na nakakasakop sa inyo at magfile ng “complaint” sa pagpapalipat ng service drop o kawad ng kuryente.
  2. Ang kunsomidores ay kinakailangang magbayad ng mga sumusunod;
    • Service charge                                 200.00 
    • Plastic seal                                            80.00 (kung kinakailangan lamang)
    • VAT 12%
  1. Matapos magbayad ay pupunta ang Station Lineman sa inyong lugar at isasagawa ang paglilipat ng inyong service drop o kawad ng kuryente.

 

Relocation of Transformer and Poles”o Paglilipat ng Transformer at Poste

Ang transformer at poste ay maaaring ipalipat kung ito ay hihilingin ng konsumidores, subalit ito ay may kaukulang proseso gaya ng mga sumusunod:

  1. Magtungo sa opisina ang konsumidores at magfile ng “complaint” para sa pagpapalipat ng transformer at poste kalakip ang lokasyon nito at clearance na pirmado ng Teller o Supervisor.
  2. Magsasagawa ng inspeksyon ang “surveyor” (TSD Staff) upang alamin kung ito ay maaaring ilipat o hindi at upang matukoy ang mga materyales na maaaring gamitin sa paglilipat.
  3. Ang halaga ng mga materyales na gagamitin ay babayaran ng konsumidores at gayundin ang labor nito.

Mga dapat bayaran:

    • Bill of Materials      -Depende sa mga materyales na gagamitin
    • Labor                             -Depende sa klase ng “construction”
    • VAT 12%

 

Replacement/Upgrading of Transformer from Low Voltage to Higher Voltage (Industrial Consumer)   

Ang mga Industrial Consumers ay maaaring magpalit ng mas mataas ng boltahe depende sa kapasidad o laki ng kanilang load at pangangailangan na suplay ng kuryente.

Mga dapat gawin:            

  1. Magtungo sa opisina at makipag-ugnayan sa “Technical Services Department” at magsumite ng kaukulang dokumento o plano. (Blue print ng Load Schedule)
  2. Magsasawa ng inspeksyon o survey upang malaman kung gaano kalaki ang kapasidad na kailangan nito.
  3. Matapos magsawa ng survey at makuwenta ang kailangang kapasidad ay gagawin ang Bill of Materials.

Mga dapat bayaran:

      • Bill of Materials               -Depende sa mga materyales na gagamitin
      • Labor                                     -Depende sa klase ng construction
      • VAT 12%

 

Temporary Disconnection” o Boluntaryong Pagpapaputol ng Serbisyo ng Kuryente

Ang serbisyo ng kuryente ay maaaring boluntaryong ipaputol kung walang nakatira o gumagamit.

  1. Magtungo sa District Office na nakakasakop sa inyo at magfile ng “complaint” para sa boluntaryong pagpapaputol ng inyong serbisyo ng kuryente.

Mga dapat gawin;

    • Bayaran ang kunsumo ng kuryente bago isagawa ang boluntaryong pagpuputol.
    • Kinakailangan ng clearance na pirmado ng Teller o Supervisor.

Kung sakali man na ito ay kinakailangan ng ipakabit muli, ang kunsomidores ay kinakailangan na magsumite ng clearance at magbayad ng mga sumusunod;

    • Reconnection fee             150.00
    • Calibration fee                   100.00 (kung kinakailangan lamang)
    • VAT 12%

 

Trimming of Trees (Pagpuputol ng Punong Kahoy)

Kung nais na magpaputol ng punong kahoy at mga sanga na nakadikit sa linya ng kuryente sa inyong lugar ay mangyari lamang na magsadya sa punong tanggapan ng NEECO II -Area 1sa Calipahan, Talavera, Nueva at District Office na nakakasakop sa inyo.

  1. Magfile ng request para sa pagpapaputol ng punong kahoy.
  2. Itala ang eksaktong lugar ng inyong tirahan. (street,purok, distrito o zone)
  3. Hintayin ang pagdating ng crew na magpuputol ng punong kahoy sa inyong lugar.
  4. Hindi po pinapayagan ng opisina ang pagpuputol ng mga punong kahoy na pribado na hindi sumasayad sa linya ng kuryente.

 

 Kung kayo po ay may ganitong problema sa serbisyo ng kuryente gaya ng mga sumusunod;

  1. Maling reading ng kuntador (Stop/Fast/Creeping Meter)
  2. Loose connection
  3. Cut Service drop
  4. Walang kuryente (No light/One block)
  5. Burnt/Broken/Defective Meter (For inspection)
  6. Nabuwal na poste
  7. Naputol na linya ng kuryente (Distribution Line)(Primary o Secondary)
  8. Sirang selyo ng kuntador
  9. Bulok o sirang mga poste (Distribution line)

 Mangyari lamang po na makipag-ugnayan sa Opisina ng NEECO II-Area 1 na nakakasakop sa inyo upang maipaabot ang inyong kahilingan.

  

Senior Citizen Discount

Ang mga Senior Citizen ay maaaring magkamit ng limang (5%) porsiyentong diskwento sa kunsumo ng 100 kwhr o mas mababa pa.           

Mga dapat gawin:

Para sa mga bagong magmimiyembro:

  1. Kumuha ng application form sa opisina ng NEECO II-Area 1 na nakakasakop sa inyo.
  2. Magfill-up ng application form at humingi ng sertipikasyon sa Pinuno ng Office of the Senior Citizen Affair (OSCA) sa inyong bayan.
  3. Ang resibo ng kuryente ay dapat nakapangalan sa senior citizen sa loob ng isang (1) taon.
  4. Ang diskwentong 5% ay para lamang sa buwanang kunsumo na hindi hihigit sa 100 kwh.
  5. Isang diskwento lamang ang maaaring maipagkaloob sa Senior Citizen na nagmamay-ari ng dalawang (2) bahay o higit pa.
  6. Limampung (50%) porsiyentong diskwento naman ang para sa mga bahay kalinga na “ACCREDITED” ng DSWD; may sariling metro at gumagamit na ng kuryente sa loob ng anim (6) buwan.

Magsumite lamang ng mga sumusunod:

  • Proof of age and citizenship
    • Birth Certificate
    • Valid senior citizen I.D. issued by OSCA in the municipality where he/she resides; or
    • Any government I.D. showing proof of age and citizenship,i.e.,driver’s license, voter’s I.D. SSS/GSIS, PRC card, postal I.D.
  • Proof of residency
    • Barangay Certificate; or
    • Affidavit of two (2) disinterested persons duly notarized and has known the senior citizen for not less than one (1) year.
  • Proof of billing
    • Copy of electric bill bearing the name of the senior citizen.
  • Authorization ng kinatawan
    • Valid I.D. card ng kinatawan;
    • Authorization letter duly signed or thumb marked by the senior citizen which shall be valid only for a period of one (1) year from date of issuance.

 

Comprehensive Group Personal Accident Insurance Program

Batay po sa Board Resolution Bilang 06-06-12 taong 2012 kung saan ang mga Kasapi/Kamay-ari ay kailangan na magkaroon ng Comprehensive Group Personal Accident Insurance Program. Ito ay naaprubahan sa Special General Membership Assembly noong Hulyo 6, 2012.

Mga hakbang na dapat gawin para maging kuwalipikado sa pagkakaroon ng Seguro ang mga Kasapi/Kamay-ari;

  1. Kailangang siya ang lehitimong nakapangalan o nakatala, sa NEECO II-Area 1 na may edad na labing walong (18) taong gulang at di lalagpas sa pitompung (70) taong gulang at tanging “residential consumer” lamang. Na kung ang Kasapi/Kamay-ari ay pitompung (70) taong gulang, siya ay awtomatikong mawawala sa pagkakasapi sa Group Insurance.
  2. Na ang buwanang hulog kada buwan ay dalawampung (P 20.00) piso na may kabuuang dalawang daan at apatnapung (P 240.00) piso kada taon.
  3. Na ang hulog ay babayaran kasabay ng buwanang kunsumo sa kuryente na may nakahiwalay na resibo.
  4. Ang mga “benepisyo” na makukuha kung sakaling may mangyari sa mga Kasapi/Kamay-ari ay ang mga sumusunod:
    • Accidental Death and Disablement              Php  40,000.00
    • Accidental Burial Benefit                                    Php  10,000.00
    • Cash Assistance-Natural Death                      Php  10,000.00